Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwalang nakatingin si Vita sa hawak na marriage certificate. Pagkatapos niya pumayag ay agad na tinawagan nito ang lawyer at pinaasikaso ang marriage certificate nila. Hindi naman siya dapat papayag, eh. Pero nawala siya sa wisyo dahil sa halik nito. Para bang hinipotismo siya nito at napasunod siya sa gusto nito. Napahawak siya sa bibig niya at tinitigan ang papel na nagsasaad na isa na nga siyang Mrs. Sanchez. Gosh! Hindi siya makapaniwalang asawa na niya si Jeremy. Napatingin siya sa binata na seryosong kausap ang abogado nito. Hindi niya marinig kung ano ba talagang pinag-uusapan ng dalawa dahil malayo ang mga ito sa kanya. Napatitig siya sa gwapong mukha ng binata. Aaminin niyang simula pa noon ay gwapo na talaga ang binata, pero sa t

