“Ayos ka lang ba, Vita?” tanong ni Ally kay Vita ng mapansin nito ang pamumula ng magkabila niyang pisngi. Inilapat nito ang kamay sa kanyang noo saka napamura. “Gaga, may lagnat ka.” Mahina niyang winasik ang kamay nito palayo sa kanyang noo. “Ayos lang ako.” “Anong ayos lang pinagsasabi mo? Inaapoy ka nang lagnat.” Nag-aalala itong tumingin sa kanya. “Umuwi ka na kaya muna at magpahinga?” Nag-aalala ito sa kanya dahil alam nitong wala siyang masyadong pahinga dahil pagkatapos niyang magtrabaho sa hotel ay didiretso na naman siya sa night market para maging tindera. “Ayoko,” pagtutol niya. “Sayang din ang perang sasahurin ko ngayong araw.” “Talagang sayang ang pera kapag ‘yang katigasan ng ulo mo ay nauwi sa pagpapa-hospital mo.” Hindi pa rin siya nakinig dito at nagpa

