Lumapit si Sandra kay Jeremy na ngayon ay umiinom sa counter ng bar sa loob ng hotel. Gabing-gabi na, pero hindi pa rin ito umuuwi at nandito pa rin ito nagpapakalasing. “Babe,” tawag nito sa kanya. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa pag-inom. “Tama na ‘yan.” Kinuha nito ang baso niya. Hindi naman siya umalma sa ginawa nito. “Umuwi na tayo.” “Bakit nandito ka?” malamig niyang tanong. “Bakit hindi ka pa umuwi at nagpapahinga?” Umupo ito sa stall na katabi niya. Hinawakan nito ang kamay niya. “Umuwi na tayo, Babe.” Inalis nito ang kamay. “Umuwi ka na at magpahinga. Makakasama sa ‘yo at sa baby natin kung nagpupuyat ka.” Bigla itong umiyak dahilan para mapaiwas siya ng tingin dito. “Kailangan bang maging ganito tayo, Je? Hindi naman tayo ganito no’ng hindi pa ka

