Maagang nagising si Vita na dapat ay mamaya pa siya magigising. Linggo ngayon kaya dapat mahaba-haba pa ang tulog niya. Ewan ba niya. Parang bigla na lang nagising ang buo niyang katawan sa hindi niya malamang kadahilanan. Kahit pilitin niyang matulog ulit para mas makapagpahinga ay hindi na niya magawa. Narinig niyang may kumatok sa pinto ng kwarto niya. "Miss Vita, gising na po ba kayo?" tanong ng isa sa mga katulong. "Yeah, why?" tanong niya saka napaupo. She yawn and stretch her arm. "Handa na po ang almusal." She yawn again, pero tinakpan na niya ang bibig niya gamit ang kamay niya. "Okay. Bababa na din ako." "Okay po, Miss Vita." Narinig niya ang yapak nito paalis. Tumayo na siya saka nag-stretch ulit sa mga kamay niya at sa katawan. Parang naging maganda ang kanyang tulog ngay

