“Ingatan mo ang anak ko, Jeremy,” sabi ni Vito, ang ama ni Vita. “Opo, Tito. Iingatan ko po ang anak niyo. Ako na po ang bahala sa kanya habang wala kayo,” nakangiting sabi ni Jeremy. “Vita, anak, mag-iingat ka dito, ah. Baka ilang buwan na naman tayong hindi magkita.” Hinawakan ng mommy nito ang pisngi ng dalaga. “Naiintindihan ko naman, Mom. Isa pa, kapag may time naman kayo ay bumabawi naman kayo sa akin.” Hinawakan nito ang dalawang kamay ng ina. “Ayos na sa akin na nasa maayos kayo palagi at malusog." Nandito sila sa airport ngayon. Inihatid nila ang mga magulang ni Vita dahil babalik na ito sa ibang bansa. Dalawang linggo lang ito sa Maynila para makasama ang kanilang anak. Habang nandito ito sa Maynila ay bumawi ito kay Vita sa mga buwan na hindi ito nagkasama. Nag-bonding ang

