“What floor?” Biglang nanigas si Vita ng marinig niya ang malamig nitong boses. Hindi ito lumingon sa kanya at sa harap pa rin ito nakatingin. Kahit likod lang ang nakikita niya ay alam niyang si Jeremy ito. Kahit malamig ang boses nito ay alam niyang ang binata ito dahil kilalang-kilala na niya ang boses nito. Bahagya niyang itinaas ang mga dala niya para hindi nito makita ang mukha niya. Dems! Bakit naman kasi sa dinami-dami ng makakasabay niya sa elevator ay ito pa. Bahagya siyang umubo at inayos ang boses para hindi siya mabosesan nito. Yon ay kung naaalala pa nito ang boses niya. “Third floor, please.” Napakagat-labi siya at nagdasal na sana hindi talaga nito nakilala ang boses niya. Bakit ba kasi ito nandito? Gusto niyang batukan ang sarili dahil sa tanong niya. Malam

