Kanina pa naghihintay si Jeremy sa opisina. Gabi na at kanina pa nakauwi ang lahat ng tao, pero nandito pa rin siya at naghihintay kay Vita. May meeting kasi ito at napag-usapan nila na sa building na lang ito maghintay para sabay sila umalis. May usapan kasi sila na pupunta sila ngayon sa night market at magde-date. Napatingin siya sa relong pambisig at nakitang alas-syete na ng gabi. Sa mga oras na ito ay dapat tapos na ang meeting nito at papunta na ito dito. Kinuha niya ang kanyang hindi murang touchscreen na cellphone saka tinawagan ang dalaga. Dalawang beses lang itong nag-ring at agad na sinagot. "Mahal," bungad sa kanya ni Vita ng masagot nito ang tawag niya. "Papunta ka na ba dito?" tanong niya habang nakatingin sa daan. Umaasa na may taxi na hihinto sa daan at bumaba ang dala

