HINDI alam ni Jeremy kung paano siya napunta sa harap ng Gezer hotel. Naglalakad siya sa daan kung saan papauwi sa kanila at hindi niya maintindihan kung bakit dito siya dinala ng kanyang mga paa. Ewan ba niya. Kahit na may tiwala siya kay Vita ay wala siyang tiwala sa Monte na ‘yon. Pumasok siya sa hotel saka nagtanong kung anong kwarto sina Monte. Gaya nga ng inaasahan niya ay hindi nito sinabi dahil hindi nila pwedeng sabihin ng basta-basta ang kwarto ng guest nila. Kinuha na lang niya ang kanyang cellphone para tawagan si Vita at ipaalam dito na nasa lobby siya ng hotel. Hihintayin niya ito kahit anong oras pa ito umuwi. Wala siyang pakialam kung ilang oras ang hihintayin niya basta masigurado niya lang na maiuuwi niya ng ligtas ang dalaga. Napakunot-noo siya ng hindi nito

