ESCORT 75

2613 Words

Napatingin si Vita sa bawat sulok ng kwarto ng hotel kung saan nag-i-stay sina Jelo at Jeremy. Napasapo siya sa kanyang noo. Hindi niya alam kung  bakit at papaano siya napadpad sa hotel nito. Para siyang sinapian kanina at napasunod siya dito. Huminga siya ng malalim saka kinalma ang sarili.   Maliban sa hotel nito ay walang ibang lugar na pwede silang mag-usap. Ayaw niya din naman kasi na mag-usap sila sa public places dahil baka mamaya ay magsigawan sila dahil sa galit.   “Mag-uusap lang kayo, Vita. Huwag kang kabahan.” Huminga siya ulit ng malalim. Diretso siyang nakaupo sa sofa nito.   Nakita niya si Jeremy galing sa kusina at may dalang tubig. “Tubig na muna ang inumin mo, hindi ka pa pwedeng uminom ng juice dahil hindi ka pa kumakain ng agahan.”   Natawa siya sa sinabi nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD