“You are still my wife.” Dahil sa sobrang gulat ni Vita ay natulak niya ito. Agad siyang tumayo na may pagtataka sa mukha. “Anong ibig mong sabihin? Hiwalay na kaya tayo. Pinermahan ko na ang annulment papers noon. Don’t tell me hindi mo pinermahan?” Sinamaan niya ito ng tingin. “Noong una pinermahan ko,” sabi nito saka ngumisi sa kanya. “Pero syempre ayaw ng tadhana na magkahiwalay tayo kaya hindi natuloy.” “Anong hindi natuloy?” Hinampas niya ito ng malakas. “Bakit hindi natuloy?” Nagkibit-balikat ito na mas ikinainis niya. “Hindi natuloy dahil may kailangan ka pangpermahan. Kaso bigla kang nawala kaya hindi natuloy. Kaya hanggang ngayon ay kasal ka pa rin sa akin at hanggang ngayon ay asawa pa rin kita. Okay na? Naiintindihan mo na?” Mas sinamaan niya ito ng tingin.

