Kinabukasan ng makarating sina Jeremy sa Tagaytay ay sinama niya si Jelo sa kompanya niya, ang J company. Ilang taon din niyang hindi ito nadalaw dahil mas naging busy siya sa Manila, lalo na ng dumating sa buhay niya ang anak niya. Pinapadala na lang sa kanya through email ang mga report tungkol sa kompanya. Sinama ni Jeremy ang anak dahil walang magbabantay dito. Hindi din siya komportable na iwan na lang ito sa ibang tao. Mas makakapagtrabaho siya kapag nakikita niya ito sa palagid niya. “Dad, I’m hungry.” Napatingin siya dito. Nakaupo ito sa sofa. Ibinaba na nito ang tinitingnan nitong magazine kanina. “Magpapadala na lang ako ng foods dito.” Kinuha niya ang telepono at tatawag na sana ng tumayo ito. “Ako na, Dad.” Napakunot-noo siya sa sinabi nito dahil hindi niya m

