Natapos ng maayos ang pag-uusap nina Vita at Monte. Humingi na ito ng tawad sa nagawa nito sa kanya noon at napatawad na din niya ito. It’s been seven years. Kailangan din naman niyang patawarin ito at inalala na naging kaibigan din niya ito ng ilang taon. “Thank you, Vita. Thank you talaga at pinatawad mo ako,” sabi nito ng makarating sila sa tapat ng hotel. Hinatid kasi siya nito sa hotel na pinagta-trabahuan niya. Ayaw na sana niyang pumayag, pero mapilit ito, kaya wala na din siyang nagawa. “Wala na ‘yon. Kalimutan na natin ‘yon,” nakangiti niyang sabi. “Can we still be friends?” Inilahad nito ang kamay nito sa kanya. Napatingin muna siya sa kamay nito saka sa binata bago ito tinanggap ng may ngiti. “Oo naman. Friends.” Ngayon na nagkausap na sila ng binata ay naging magaan ulit

