“Siya ba ‘yong girlfriend ni Mr. Sanchez?” Napatingin si Vita kung saan nakatingin si Celine. Napatiim-bagang siya ng makitang nakahawak sa braso ni Jeremy si Sandra. Kalalabas lang ng dalawa galing sa elevator at mukhang magde-date ang dalawa. Nakita niya kung paano idikit ni Sandra ang sarili sa binata. Hindi niya maiwasan na paikotan ito ng mga mata. Parang takot na takot lang na maagaw sa kanya ang binata. Kung talagang mahal siya nito ay hindi ito matatakot. Bigla siyang napaiwas ng tingin sa mga ito ng tumingin sa kanya ang binata. Ayaw niyang makita ang dalawa at baka ano pangmagawa niya. Iba pa man din ang nagagawa ng selos. “Tara na. Baka pagalitan na naman tayo ng manager. Masyado kang chismosa, Celine.” Nauna na siyang naglakad na agad naman siyang sinundan nito

