Maagang nagising si Vita kinabukasan para magluto. Nagsaing siya at nagluto lang ng itlog, at bacon. Tanging pagpiprito lang naman ang kaya niyang iluto. Nagtimpla na din siya ng dalawang kape. Hindi naman talaga siya mahilig sa kape. Talagang kailangan niya lang ngayon para naman magising siya. Naging kulang na ang tulog niya simula ng rumaket siya sa night market. “Good morning,” bati niya kay Jeremy ng pumasok ito sa kusina. “Pasensya na ito lang ang alam kong iluto.” Tumitig ito sa pagkain na ikinatigil niya. Napakamot siya sa ulo niya at biglang nahiya. Kababae niyang tao ay hindi siya marunong magluto. “Hindi mo ba nagustohan? Itatago ko na lang—” “No. It’s okay.” Pigil nito sa akma niyang pagkuha sa pagkain. Umupo na ito sa gitna. “Kumain ka na din.” Naupo na

