Kinakabahan si Jeremy habang naglalakad sila papasok sa isang malaki, at magarang club. Akala niya isang pipitsuging club lang ang pinapasokan ni Dante dahil gano’n naman ang mga club na nakikita niya sa lugar nila. Pero iba ang club na ito. Para bang walang mahirap na pumapasok dito. May bouncer din na nakabantay sa labas kaya naman hindi basta-basta nakakapasok ang kung sino lang. Napatingin siya sa palagid. Madaming tao, at masasabi mo talagang mayayaman dahil sa mga dating nito. “Huwag kang mag-alala, Je. Hindi ka lugi sa mga magiging customer mo dito dahil lahat ng tao dito ay mayayaman. Pinakamaliit ng bayad sa ‘yo ang Five Thousand,” sabi ni Dante sa kanya habang naglalakad sila. Nagulat siya sa malaking halaga na sinabi nito. “Five thousand? Isang customer lang ‘yun?”

