Kinakabahan si Jeremy habang papasok sila ng isang hotel. Doon siya dinala ni Nancy pagkatapos nilang uminom sa club at wala naman siyang totol dahil ito naman ang magbabayad sa hotel room. Isa pa, customer niya ito kaya dapat lang na hindi siya tumutol sa gusto nito. Habang naglalakad papunta sa hotel room ay mas dumoble pa ang kaba niya. Para siyang babae na kinakabahan dahil ito ang unang gabi na mawawala na ang virginity niya. Nakakabakla mang-isipin o aminin ay iyon talaga ang nararamdaman niya ngayon. Naunang pumasok si Nancy sa kwarto bago siya. Nang makapasok ay isinara na niya ang pinto at ni-lock. Baka mamaya kasi ay may biglang pumasok. Nang humarap siya sa gawi ng dalaga ay nagulat siya ng agad siya nitong hinalikan. Sa sobrang gulat niya ay bahagya niya itong natulak.

