Natuwa si Jeremy ng bigyan siya ng Ten thousand ni Nancy nang matapos sila nito. Alam niyang galing sa mali ang nakuha niyang pera, pero may iba pa ba siyang pagpipilian bukod sa trabahong ito? Hindi na lang niya iniisip ang mga bagay-bagay. Basta, may pera na siya at makakapagpadala na siya sa pamilya niya ay ayos na sa kanya. “Kumusta ang unang gabi mo?” tanong sa kanya ni Dante ng magkita sila sa tapat ng club. Nag-usap sila kanina ni Dante bago sila maghiwalay na sa club sila magkikita para sabay na silang umuwi sa dorm na tinutuluyan nila. Ang dorm na tinutuluyan nila ay mga escort din na kagaya nila ang nakatira. Ngumiti siya dito. “Ayos lang.” “Anong feeling ng hindi ka na virgin?” Naiiling na lang siyang natatawa sa tanong nito. Binangga nito ang balikat niya gamit

