Ilang linggo na siyang nagtatrabaho sa club at unti-unti ay nasasanay na din siya. May araw na siya ang naghahanap ng customer at minsan naman ay siya ang pinapatawag. Minsan ang nagpapatawag sa kanya ay ang mga customer na nagustohan ang kanyang serbisyo. Tama nga ang mga sinabi nina Arnold. Hindi sa lahat ng gabi ay may magiging customer sila. May customer naman siya, pero sa nakikita niyang iba pa niyang mga kasamahan ay wala. Kaya siguro parati siyang may customer ay dahil bago pa lang siya dito sa club. Nakaupo siya sa tapat ng bartender at napapatingin sa mga taong nasa dance floor at nagsasayawan. Naghahanap siya ng magiging customer niya ngayong gabi. Minuto ang lumipas ay may tumabi sa kanya kaya naman napabaling siya dito. “Hi, handsome.” Napangiti siya ng makilala i

