Nakaupo si Jeremy sa may sala nila at tulalang nakatingin sa kawalan. Hindi niya napansin na kanina pa pala nakatingin sa kanya ang kanyang ina. Lumapit ito sa kanya at ilang beses siyang tinawag, pero hindi niya naririnig. Talagang wala siya sa sarili at malalim ang iniisip. “Je.” Napabaling siya sa kanyang ina ng hawakan siya nito sa balikat. “Nay.” Napakurap-kurap siya. “Bakit po? May ipag-uutos po ba kayo?” Napakunot-noo ang ina niya sa inasta niya. “Wala naman. Kanina ka pa kasi tulala diyan. Wala ka bang pasok ngayon?” Napaiwas siya ng tingin dito. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin alam ng pamilya niya na wala na naman siyang trabaho. Na hiwalay na sila ni Vita. Hindi niya kasi alam kung papaano sasabihin sa kanila, kung anong idadahilan niya kung bakit sila naghiw

