Karga-karga ni Jeremy si Vita habang papasok sa suit kung saan sila magha-honeymoon. Napahiyaw si Vita nang mahina siya nitong italon. Mahigpit siyang napakapit sa leeg nito. “Mahal!” Hinampas niya ang braso nito. “Baka mahulog ako.” “Huwag kang mag-alala, Mahal. Kung mahuhulog ka man, sisiguraduhin ko na sa akin ka mahuhulog,” sabi nito saka siya kinindatan. Hindi niya maiwasan na matawa sa pick up lines nito. “Ang korni mo.” “Ayos lang na korni, mahal mo naman, eh.” Napapikit ito nang hinalikan niya ito sa labi ng ilang segundo. “Oo naman. Ikaw at ang mga anak natin. Mahal na mahal ko kayo.” Siya naman ang napapikit nang halikan siya nito sa labi. “Mahal na mahal ka din namin.” Napangiti silang dalawa habang nakatingin sa mga mata nang isa’t-isa. Muling nagpat

