Madaling araw pa lang ay gising na ang lahat ng bisita at mga staffs sa resort kung saan ikakasal sina Jeremy at Vita. Kahit maaga pang nagising si Vita ay gising na gising na ang kanyang diwa. Halos hindi na nga siya makatulog kagabi dahil sa sobrang excited niya para sa araw na ito. Mabuti na lang at hindi gano’n kalalim ang kanyang eye bag dahil kung hindi baka nagmukha siyang zombie bride. Baka biglang umatras si Jeremy kapag nagkataon. Nakaupo siya sa harap ng isang salamin na maraming ilaw sa gilid nito. Nakapikit ang mga mata niya habang nilalagyan siya ng eye shadow. Habang mini-make up-on siya ay may nag-aayos naman ng kanyang buhok. Makalipas ang isang oras na pag-aayos sa kanya ay napadilat siya ng mga mata. Napangiti siya nang makita ang kanyang ayos. “Manipis lang

