“Jeremy.” Biglang napatingin si Jeremy sa inuupuan ni Vita ng marinig niya ang boses nito. Nagkasalubong ang mga kilay niya ng makitang wala ito doon sa mesa kung saan ito nakapwesto kanina. Inilibot niya ang kanyang paningin sa buong hall para hanapin ito, pero hindi niya talaga ito nakita. Tiningnan niya din ang mga staffs niya dahil baka kasama ng mga ito ang dalaga, pero wala. Hindi niya alam, pero bigla siyang kinabahan ng marinig sa isip ang boses ng dalaga. Tila ba ang pagtawag nito sa kanyang pangalan ay humihingi ng tulong. “Are you okay, Jeremy?” tanong sa kanya ni Anton Fowler. “Hindi ko kasi makita si Vita,” sagot niya habang patuloy pa rin ang paglibot ng kanyang paningin sa paligid. Napapatingin na din si Anton sa paligid. “Baka pumunta sa banyo. Sige na,

