Kinabukasan ay hinatid nga ni Nancy si Jeremy sa dorm nila Dante. Ayaw na sana niyang magpahatid dito dahil nahihiya siya pero wala na siyang nagawa dahil mapilit ito. Nahihiya na din siyang tanggihan ito. “Kumusta na ang tatay mo, Je?” tanong ni Dante sa kanya ng magkita sila sa loob ng club. “Maayos na. Hinahanap ka nga, eh. Gusto niyang magpasalamat sa ginawa mong pagpapahiram ng pera at pagbigay sa akin ng trabaho.” Bigla itong tumawa. “Paano kaya kapag nalaman nila tito ang totoong trabaho na binigay ko sa ‘yo. Magpapasalamat pa kaya sila sa akin? Baka mapatay nila ako kapag nagkataon.” Napailing na lang siya. “Kapag talaga nangyari ‘yun, baka dalawa tayong mailibing ng buhay.” Bahagya siyang napayuko ng malakas siyang inakbayan ni Arnold. “Alam mo ba, Je, nang mga

