Isang linggo na ang nakakalipas ay hindi pa rin sila nag-uusap ni Jeremy. Hindi niya maiwasan na magtaka. Tinatawagan niya ito, pero hindi nito sinasagot. Hindi niya tuloy maiwasan na kabahan sa kinikilos nito. Hindi niya din ito nakikita sa hotel kaya wala siyang pagkakataon na makausap ito. Isang linggo na din siyang hindi mapakali at iniisip kung anong dahilan nito kaya hindi siya nito kinakausap. “Baby.” Napatingin siya kay Eric. Tiningnan niya ito ng nagtatanong. “Tulala ka diyan.” “Oo nga naman, Baby. Malapit ng matunaw ‘yang ice cream mo.” Turo ni Francis sa ice cream niya. Napabuntong-hininga siya saka kinuha ang kutsara para kainin ang ice cream niyang unti-unti ng natutunaw. Nagkatinginan naman ang dalawa sa inasta niya. “May problema ka ba?” tanong sa kanya n

