Mahigpit ang hawak ni Vita sa kamay ni Jeremy. Para bang ayaw na niya itong bitawan pa. Napatingin naman ito sa kamay nila. Humarap ito sa kanya saka hinawakan ang kanyang pisngi. “Bakit parang ayaw mong bitawan ang kamay ko?” natatawang tanong nito. “Pakiramdam ko kasi hindi ka na babalik sa akin.” Hindi niya kasi alam kung saan naggagaling ang kabang nararamdaman niya ngayon. Pakiramdam niya ay hindi na babalik sa kanya ang binata sa oras na bitawan niya ang kamay nito. Humigpit ang hawak ni Jeremy sa kamay niya saka ito hinalikan. Napatitig naman siya dito. “Babalik ako, Mahal. Kakausapin ko lang si Sandra at aayusin ko lang ang lahat sa amin. Kapag naayos ko na ang sa amin ay babalikan kita at ang relasyon naman natin ang aayusin ko. Ipapaalam ko sa buong mundo na mahal

