“Congratulation, Miss Morales,” sabi ng Doctor na ikinatuwa niya. “Magka-match kayo ng daddy mo.” Inilahad nito ang kamay na agad naman niyang tinanggap ng may malaking ngiti sa labi. Sobrang saya niya sa balitang sinabi nito. Walang araw o gabi na hindi niya pinapalangin na sana magka-match sila ng dad niya. Sinabi pa naman sa kanya ng Doctor na mahirap talagang maghanap ng match sa bone marrow. “Thank you, Doc. Thank you talaga.” Hindi niya alam kung papaano pa magpapasalamat sa Doctor. “Hindi pa ito ang tamang panahon para magpasalamat ka sa akin, Miss Morales. Mamaya ka na magpasalamat kapag naging maayos ang daddy mo after the operation at kapag tuluyan na talaga siyang gumaling.” “Kahit na, Doc. Nagpapasalamat pa rin po ako sa inyo kasi inaalagan niyo ang daddy ko.”

