Napatingin-tingin si Vita sa lobby at hallway. Tinitingnan niya kung nandoon ba si Jeremy. Alam naman niyang umalis na ito kasama si Sandra, pero mas mabuti na ‘yong nakakasigurado siya na hindi siya makikita nito. Baka ma-r**e na naman siya nito ng wala sa oras. Nakahinga siya ng maluwag ng masiguro niyang wala na nga ito. Nasa malayo pa lang siya ay nakikita na niya si Monte sa lobby habang hinihintay siya. Agad itong napatayo ng makita siya saka ngumiti ng malaki dito. “V.” Balik na naman ito sa pagtawag ng ginawa nitong palayaw para sa kanya. Ngumiti naman siya dito. “Anong ginagawa mo dito?” “Hinihintay kita.” “Bakit?” Nagtataka niyang tanong. Wala kasi siyang maalala na may usapan sila na magkikita sila ngayon. Hindi din naman siya nag-text dito dahil wala siy

