Ilang araw ng iniiwasan ni Vita si Jeremy. Huling usap nila ay nang gabi na nagkasagutan sila ng binata. Maaga pa lang ay umalis na siya sa bahay nito dala ang mga gamit niya. Ayaw niyang makita ito ngayon, masyadong masakit para sa kanya ang ginawa at pinagsasabi nito sa kanya. Mahal na mahal niya ang binata, pero hindi niya maiwasan na magalit dito. Dito na nga niya binigay ang sarili ay pinagdudahan pa siya nito and worst tinanong pa siya nito kung may nangyari ba sa kanila ni Monte. Halatang wala itong tiwala sa kanya. Ano bang tingin nito sa kanya? Kaladkaring babae? Kung kanino-nino lang ibibigay ang katawan niya? Walang pasok si Vita ngayong araw kaya naman nasa bahay lang siya nito ngayon, nakahiga, at tulala sa kisame. Kapag day off naman niya noon ay pumapasok pa rin

