Dinala ni Jeremy sa isang convenience store ang dalaga. Pinaupo niya ito sa pandalawahang mesa at pumunta siya ng counter para bayaran ang mga binili nila. Nang mabayaran na ito ay pinuntahan niya si Vita. “Ito.” Ibinigay niya ang pinili nitong siopao saka inilapag ang dalawang can sa juice. “Thank you.” Nakangiti nitong kinuha ang siopao. “Magkano pala?” “Ayos lang. Libre ko na ‘yan sa ‘yo.” Nagulat ito saka nahiya. “Naku! Hindi na. Nakakahiya naman sa ‘yo.” Napakamot ito sa ulo. “Ayos lang ‘yun. Ako ang lalaki kaya ako dapat ang manlibre.” Napayuko ito. “Nakakahiya na ikaw pa ang nagbayad nito. Di ba ang mga customer niyo ang nagbabayad sa mga iniinum o kinakain niyo?” Tinanggal niya ang papel sa nasa ilalim ng siopao saka ito nilagyan ng sauce. “Oo. Pero sabi

