Ala-singko pa lang ng umaga ay gising na kaagad ako. Halos hindi rin naman ako nakatulog nang maayos dahil sa mga bumabagabag sa isipan ko. Masyadong marami ang pinag-aalala ko sa ngayon kaya ang hirap na alisin sa isipan. Pakiramdam ko ay tulog pa sila Eury habang si Zyair ay nahilik pa sa kabilang kama. Matapos kong mag-hilamos ay naisipan kong lumabas ng kwarto. Pinakiramdaman ko muna sa labas at maraming presensya ant naramdaman ko mula sa mga estudyante. Naka-bukas naman ang mga ilaw sa labas. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan saka sumilip sa labas. Napakunot ang noo ko nang makitang may umiiyak na ibang babae habang ang mga lalaki naman ay pinapatahan sila. Ang iba ay nakahiga sa sahig at nakapikit na para bang walang malay o 'di kaya ay natutulog. "Tumahan ka na... kanina ka p

