Mabilis niya akong sinugod at binalak na sakalin ngunit agad akong kumilos at hinawakan ang dalawang kamay niya saka siya itinalikod sa akin. Inipit ko nang ayos ang dalawang kamay niya sa likod at nagpupumilit siyang magpumiglas, "Oh my gosh! What the hell is wrong with him?" Bakas ang takot sa boses ni Cilla saka sila umatras. Masyadong malakas si Crist na mas lalo kong ikinabigla dahil nakawala siya sa kapit ko. "Hoy! Tulungan mo naman ako!" Inis na sigaw ko kay Seven dahil mukha siyang gulat na gulat lang sa sitwasyon at nakatulala sa gilid ko, samantalang si Eury at Cilla naman ay hindi ko maasahan. Mukhang natauhan si Seven dahil sa sigaw ko kaya agad siyang kumilos. Lumayo sa akin si Crist saka ngumisi at muling sumugod sa gawi namin ngunit sila Eury na ang target. Mabilis kong

