Napunta kami sa dulo na ng kagubatan sa tagong lugar ngunit kita pa din namin ang lumang bahay. Nakita kong nanakbo palabas ang lalaki. Nagpalinga-linga siya sa paligid na para bang hinahanap niya kung sino ang kumuha ng hawak niya kanina. Nang wala siyang nakita ay kinuha niya ang cellphone niya at mukhang may tinatawagan. Kahit naman malayo kami ay maririnig namin ang sasabihin niya. “Nahanap ko na kaso noong hawak ko na ay biglang may kumuha sa kamay ko. Napaka-bilis at hindi ko man lang siya nahuli agad o nakita kung sino ang kumuha. Ano na ang gagawin ko ngayon?” [“Tss, mukhang natunugan na nila ang plano ko. I’ll call you again later.”] Matapos sabihin ‘yon ng kausap niya ay pinatay niya ang tawag. Inis niyang sinipa ang bato na nasa harapan niya. “s**t, totoo nga kaya na may mga

