"Minadali na namin ang pag-punta dito after ko ma-received ang tawag ni Wren. So, did you found the cure for the virus?" tanong ni Mrs. Nadia. "Oo, itinago ko 'yon sa likod ng HIU dati. Mabuti na nga lang at kanina rin kami nag-punta dahil may nauna doon noong pumunta kami. May nagbalak na hanapin at kunin ito kaya alam kong may iba pa tayong kalaban na hindi natin nakikilala. Tumawag na rin sa akin noong isang araw ang kausap no'ng lalaki kanina at sinabihan akong hindi pa natatapos ang laban. Kaya naisip ko na baka ang pagkalat ng virus at problema natin kay Haime sa korte ang tinutukoy niya.” "Do you recognize his voice?" Inilingan ko si Seven, "Hindi ako pamilyar sa boses niya kaya mukhang hindi pa natin siya nakita noon na kasamahan ni Haime o 'di kaya ay nakasalamuha na natin pero

