Gusto ko siyang pigilan sa pag-alis ngunit hindi ko kinakaya ang sakit ng tyan ko dahil sa natamong tama ng baril. Hinawakan ko pa lalo ito para mapigilan ang pagragasa ng dugo mula sa katawan ko. Hindi ko na halos maigalaw ang katawan ko at nanghihina na ako. Pinilit kong tawagan ang numero ni Zyair para humingi ng tulong pero hindi niya sinasagot. Marahil ay naka-silent ang phone niya. Tinawagan ko naman si Seven at matapos ang tatlong ring ay sinagot niya ‘to. “Why?” “N-nandito a-ako ngayon sa... Science laboratory.. P-pumunta ka dito...” Halos pabulong ko na lang ito banggitin. “Huh? What did you say, Kird? I can’t understand you well.” “T-tulungan mo ako... Ah!” Ininda ko ang sakit nang maramdaman na kumirot muli ang tyan ko. “f**k! I’ll go there!” Narinig ko ang yabag ng mga

