Bumalik kami sa dorm ni Zyair at maingat na inilapag sa lamesa ang bomba na nakuha namin mula sa gym. Hindi ko alam kung dapat ko bang tawagin na bomba ang bagay na 'to. "Bomba ba 'yan? Bakit parang laruan?" tanong ni Zy habang tinitignan nang malapitan ang bilog na bagay na nasa harap namin. Hindi siya ang itsura ng bomba na inaasahan namin. Ang akala namin ay bomba na pinapalibutan ng mga wires at kung ano pa ngunit ang nasa harapan namin ay kulay puti lamang na may kalakihang bilog at parang wala naman laman. May kabigatan siya pero kung titignan mo ay parang simpleng bilog lang na mukhang laruan pang-bata. Nakakainis, gusto kong basagin iyon para mailabas ang galit ko pero kinalma ko ang sarili ko. Walang mangyayari kung paiiralin ko ang init ng ulo ko sa ganitong sitwasyon. "Aka

