"Tara sa secret house, huwag natin 'yan dito pag-usapan," seryosong sambit ni Seven. "Ubusin na muna natin ang pagkain natin ngayon,” dagdag niya. Pinagpatuloy nila ang pagkain ngunit ang sa akin ay hindi ko na naituloy. Masyado na namang okyupado ang utak ko kakaisip tungkol sa narinig ko. Sino naman ang boss na tinutukoy nila? Siguro dito sa mall sila nag-kita nung lalaki para hindi sila mahalata ng iba. Nakakainis, walang kwenta itong pinainom sa amin ng Director. Bakit 'di ko man lang nahanap kung sino ang mga nag-uusap. Nang matapos sila kumain ay nag-ayos na kami saka lumabas ng restaurant para pumunta sa secret house. Hindi na kami ngayon nababahala kung mayroon bang susunod sa amin dahil nga sa malakas na ako ngayong makiramdam. Ilang minuto ang lumipas at nakarating na kam

