"Dali na, mamili ka na kasi ng susuotin mo para sa acquaintance party! Ang arte naman nito, e," pangungulit sa akin ni Zyair na parang bata. Kinabukasan ay magaganap na ang party ngunit wala pa akong nabibiling susuotin ko para roon. Tinatamad ako at isa pa, hindi ko trip ang mga gano'n. "Ayoko nga, ikaw na lang ang um-attend. Tsaka wala akong pera pang-bayad sa mga tuxedo na 'yan," walang ganang sambit ko. Sinamahan ko lang naman siya ngayon sa mall kasi mamimili daw siya pero hindi ko naman inaasahan na kukulitin niya ako kaya niya ako niyaya. "Ako na ang sasagot ng damit mo, ano palag?" pangungulit pa niya. Ang balak ko lang naman ay pumunta sa venue kapag isasagawa na namin ang magiging plano namin. Wala sa plano ko ang um-attend mismo ng party. Kung hahanapin man ako ng director

