Ako ang nangunang pumunta sa malaking pintuan ng gym saka dahan-dahang pinihit ang doorknob, "Go inside already, walang tao sa loob," rinig namin na sambit ni Thalia. "We still need to be careful," sagot naman ni Wren. Tuluyan kaming nakapasok sa loob nang makitang wala nga ang mga bantay. Dalawa lang ang guwardiya nasa labas ng pinto ng gym at apat sa gate ng HIU. Ang ibang guwardiya kasi ay kasama ng director sa Nigeria para bantayan siya. Bumungad sa amin ang mga estudyanteng lumulutang sa glass capsule at mga walang malay. Para silang bangkay dahil wala man lang kakulay-kulay ang mga labi nila at parang walang dugo sa katawan. Nilingon ko naman sila Seven, "Simulan na natin pindutin ang mga red buttons. Isang daan ang lahat nang estudyante na narito ngayon. Sigurado ba kayo na kapag

