"Wala akong kaugnayan sa kaniya," mariin at seryosong sagot ko kay Cilla. Pakiramdam ko ay babasahin na niya kung ano man ang nasa utak ko pero biglang nag-ring ang naka-set na alarm sa computer room. Nagtaka naman kami dahil tumunog na kanina ang alarm na naka-set roon dahil nakarating na ang director sa destinasyon niya. "What's with the alarm?" Takang-taka na tanong ni Seven saka namin tinignan si Wren dahil siya naman ang huling nanggaling roon. "I set another alarm to the director's location para namo-monitor natin kung saan siyang lugar nagpupunta sa Nigeria," sagot niya saka siya lumabas para mag-punta sa kabila. Sumunod naman kami at naabutang tinitignan na niya ang location ng director. "He is located now at Freedom Park in Lagos. I saw one CCTV camera there, can you hac

