"Orson, wake up... hey... geez, what a dumbass." Naalimpungatan ako nang marinig ang boses ni Seven na mukhang naiirita na sa akin. Inangat ko ang ulo ko at nakitang ang sama na ng tingin niya sa akin. Umayos ako ng upo at napahilamos ng palad sa mukha, "I told you to study these substances, but you just fell asleep," inis na sambit niya. Napansin ko naman na lahat na pala kami ay narito sa science laboratory at hinihintay na lang na magising ako. "Ilang oras ba akong nakatulog?" "Dalawang oras kang nakatulog," sagot naman ni Zyair, "Pasensya na, nahilo ako sa mga binabasa ko kanina. May nagawa naman ako." Inabot ko kay Seven ang papel na sinusulatan ko kanina saka niya iyon inabot at sinuri. "Iyan ang mga posibleng side effects ng Senses Syrup kapag bago pa lang sa katawan natin. Sa

