Napatakip sa bibig sila Cilla dahil sa nasaksihan. May mga kung ano-anong wires ang nakakabit sa mga estudyante at halos mapuno ang buong gym dahil sa mga human size na glass capsule kung saan nakalagay ang mga estudyante sa loob. Iba na din ang mga suot nila. Lahat ay nakaputing t-shirt at itim na pants. Hindi na ako nagtaka kung bakit nagawa nila agad ang set up na 'yan sa gym dahil sa dami ng guwardiya at scientist na naroon upang magtulungan. Alam ko namang naka-handa na rin sila para sa gabing ito. "What the heck is happening? I couldn't take it anymore! This is not right!" Halos maiyak na si Cilla habang sinasabi iyon, inilalabas ang damdamin, "Bakit hindi na lang natin i-report ang Director sa mga pulis? This footage was enough to be an evidence!" dagdag pa niya. Bahagya siyang

