Isang linggo ang nakalipas at mas naging busy ang mge estudyante ng class eight para sa paghahanda sa event na sinasabi sa amin na magaganap sa isang buwan. Chill lang ako dahil nalaman na naman nila kung ano pa ang ibang kakayahan namin, pero madami pa kaming hindi nagagawa. Si Zyair ay hindi pa din umaayos at wala pang ni isa na naipapakita. Puro kagaguhan lang ang alam.
"Okay class eight, proceed to HIU's gymnasium for the director's announcement today regarding the upcoming program," anunsyo ng guro namin. Ayoko sanang umattend dahil wala namang kwenta ang sasabihin ng director pero hinawakan na kaagad ni Zy ang braso ko, "Saan ka pupunta? Samahan mo kami sa gym, hoy." Sinamaan ko kaagad siya ng tingin, "Boss ka? Gagong 'to."
"Sumama ka na, Kird," singit ni Eury at pumunta pa sa harapan ko. Wala akong nagawa kung 'di ang pumayag na lang, ewan ko ba kung bakit kapag si Eury ang nagu-utos ay nasunod na lang ako. Masyado na yata akong nalilinlang sa mala-anghel niyang boses sa sobrang hinhin, tss.
Marami nang estudyante ang nasa loob, mabuti na lang at sobrang lawak nito kaya kahit gaano kadami ang maga-aral ng HIU ay nagkakasya pa din kami. Umupo kami sa bandang gitna ng gym para medyo malapit sa entablado. Nasa entablado na ngayon si Miss Alberia para simulan ang opening speech niya, "Good day students of Harrow International University! We are gathered here today to witness the director's plan for the benefits of all students here. Let's all welcome, the director, Mr. Lucas Gavin." Pumalakpak ang ibang estudyante at umakyat naman ang director sa taas saka inabot ang microphone na hawak ni Miss Alberia.
Nakahanda na ang lahat ng mga ipe-presinta ng director. Tumahimik naman nang mag-simula na magsalita ang director, "Do you already have idea about our new program?" tanong niya sa amin pero nagsalita ulit, "We will be having the 'Project Brain' program that will start next month after receiving the new product that will complete our program. What is Project Brain? It is not only for students who are struggling in their subjects, but also to each and every one of you. All of you can benefit from this program. The main agenda is to help students to be more active on class and be one of the top students. We created this new product called 'Memorica Syrup' in which it contains vitamins and good for the brain and health and it is for free! It was very effective, proven and tested by the other schools and universities. In a week after drinking it, you all will get to the be on the class one and you may now experience all the privileges that we are giving to those who's good in class. All of the students must drink this, and don't dare to create some negative comment about that." Nang banggitin niya ang huling pangungusap niya ay napatingin siya sa akin na siyang ipinagtaka ko. Umiwas na lang ako ng tingin, baka namamalik-mata lang ako.
Tama nga ang hinala ko, ang Memorica Syrup na sinasabi ng director ngayon ay ang narinig kong pinag-uusapan nila Eury sa classroom noong nakaraan na ginagawang eksperimento. Paano niya nasabing mabuti iyon sa kalusugan? Panigurado ay masama ang epekto nito sa mga estudyante lalo na't utak ang pinaka-target. Masama na ang kutob ko tungkol dito at duda na ako sa mga ginagawa ng director. Nakakatawa dahil lahat naman ng mga estudyante dito ay nagbabayad ng tuition fee pero ang mga magagaling lang sa klase ang binibigyan ng magandang treatment. Nagulat naman kami nang biglang magtaas ng kamay si Seven at tumayo, "Yes, Mr? Do you have any question?"
"I am Treyton Seven from class one, what will be the benefits that the class one students can get from that program since we are now good enough and don't need to be a part of the Project Brain program. It seems like we will have to be one of the lower class," reklamo niya.
"Easy there little man. You will have benefits! Why? Because you will now have many competitors to be on the top once they drank the Memorica Syrup. Isn't that a challenge to someone like you in class one?"
Ngayon naman ay ako ang nagtaas ng kamay at tumayo, "Paano mo nasisigurado na uubra ang Memorica Syrup na sinasabi mo? At paano mo nasisigurado na mabuti nga iyan sa kalusugan naming estudyante? Sa pagkakaintindi ko ay kayo ang gumawa ng produkto na iyon, malay ba namin kung ano ang nilagay niyo."
Tumawa ng bahagya ang director, sinuway naman ako nila Eury dahil sa sinabi ko pero nanatili akong nakatayo, "I am now proud of you for being active. May pakialam ka na pala sa mga event at program ngayon ng school, Mr. Orson?" bakas ang pagka-sarkastiko sa boses niya. Ngumisi ako, "Kalusugan naming mga kabataan ang nakasalalay sa programa na gusto mong ipatupad, malamang ay makikialam ako."
"Kird, ano ba. You are disrespecting our director," suway ni Priscilla sa akin, "It's fine. Ganyan na talaga siya noon pa. And to answer your question, as I have said earlier, it was already proven and tested by other universities--"
"And you are claiming that the Memorica Syrup doesn't have any side effects?" putol ko sa sinasabi niya. Deretso siyang tumingin sa mga mata ko, "Yes, it's a safe product so you don't have to worry about that. When the product already delivered here, I will be the one who will test it in front of you. Is that okay?"
Pumayag ang mga estudyante, marahil ay natutuwa dahil may offer ang director. Kahit sino naman ay gugustuhing ma-experience ang mga advantage na ibinibigay sa mga matataas na class. Napa-iling na lang ako at lumabas ng gym, wala nang gana makinig pa sa mga kalokohan nila. Naramdaman ko naman na may nakasunod sa akin kaya tinignan ko siya, si Eury pala.
"Oh?" masungit na tanong ko, "Kakilala mo ba personally si Director Lucas?" tanong niya sa akin. "Hindi," maiksing sagot ko lang saka dumeretso nang maglakad. Sinundan pa din niya ako.
"Pero bakit kung kausapin mo siya kanina ay wala ka man lang takot at mukhang kilala ka din niya."
"Madalas akong cutting kaya niya siguro ako nakilala dahil nireklamo na ng mga guro ko." Lumiko ako papunta sa garden upang doon tumambay. Nakakabanas ang nangyaring sagutan sa amin kanina ng director. Sa ngayon ay kailangan ko na lang mag-isip kung paano ko ba masisiraan ang programa na ito. Hindi pwedeng matuloy ang kung ano man na binabalak niya. Pakiramdam ko talaga ay may mas malalim pa siyang binabalak at hindi ko gusto ang pakiramdam na ito. Base pa lang sa narinig ko noon na usapan nila Eury, pangalawang ulit na nila ngayon sa produkto na iyon dahil ang una ay hindi maayos, kaya paano niya nasisigurado na perpekto na ngayon ang eksperimento na nagawa nila?
Umupo ako sa damuhan sa ilalim ng puno at tumabi naman sa akin si Eury, "Bakit ka ba sumunod hanggang dito? Dapat nakinig ka na lang sa loob."
"Gusto ko din magpahangin. Ikaw lang ba ang pwedeng tumambay dito?" Napatingin ako sa kanya nang barahin niya ako, marunong din pala siya gumanon. "Okay," sambit ko na lang at ipinikit ang mga mata ko.
"Naisip ko din ang sinabi mo kanina. Paano nga kaya kung nainom na 'yon ng mga students tapos hindi pa pala siya maayos. I have some knowledge about experiments at mababa lang ang pursiyento na makabuo ka ng perpektong produkto gamit ang mga kemikal."
Nagulat naman ako sa sinabi niya, hindi ba't kasama naman siya sa inutusan ng director na isagawa ang plano sa class eight? Panigurado naman na sa amin gustong subukan ang Memorica Syrup na 'yon dahil sa klase namin ang madaming mga mahihina ang utak pagdating sa akademika. Nakakapagtakang marinig na hindi siya payag sa plano na iyon at binibigyan pa niya ako ng bagong kaalaman tungkol sa plano na 'yon.
"Tingin mo anong klaseng programa ang gusto nila ipatupad?" tanong ko. Nagbabakasakali na baka may maisagot siya para magtugma-tugma ang bawat palaisipan na nasa utak ko ngayon. "Hindi ko alam, wala naman akong ideya," tanggi niya. Tss, payag pa din pala siya sa plano na iyon. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa isang estudyante na galing sa class one. Napansin ko naman ang sugat na nasa braso niya, "Anong nangyari d'yan?" tanong ko. Napatingin naman siya sa braso niya at tinakpan ito gamit ang uniform niya.
"Wala, nadali lang." Natatakpan ng band-aid ang sugat niya, pero mukhang galing sa turok, napaano naman kaya iyon? Mukhang bago pa lang dahil kahapon naman ay wala siya noon.
"Eury, let's go," rinig kong yaya ni Cilla sa kanya. Tapos na pala sila at nagsi-alisan na sa gym. Napansin ko naman ang kanang braso din ni Cilla na may katulad nang kay Eury. Tumayo ako at pinagpagan ang damit na suot ko saka nauna nang umalis sa kanila. Sakto naman ay nakita ko ang mga gusto ko pang makita. Pasimple kong inobserbahan ang mga braso nila Wren, Seven, Aiden, at Thalia. Medyo nahirapan pa ako dahil natatakpan iyon ng uniporme nila pero sapat na upang makita ko ang band-aid na nakadikit.
Silang anim ay pare-parehong may ganoon kaya naman alam ko na agad na hindi sugat iyon kung 'di isang turok. Posible kayang ang eksperimento na nagawa ang itinurok nila sa katawan nila? Hindi ko na sila masyadong napagtutuunan ng pansin dahil naghigpit ang sekuridad ng gabi dahil sa nahuli ako noong nakaraan. Dahil sa naobserba ko, binalak ko na namang sundan sila kapag gabi kung sakali na maabutan ko sila.
Malakas ang hinala ko na sa science laboratory sila napunta at marahil ay mayroon din doon ng memorica syrup na sinasabi nila. Kailangan ko muna iyon alamin para mapigilan sa pag-bibigay sa bawat estudyante. Kinagabihan ay naghintay na kaagad ako sa labas para malaman kung may mga estudyante bang gagala ng ganitong oras dito sa HIU. Nasa isang classroom ako ngayon kung saan may dala akong telescope at madilim sa paligid, sinigurado kong walang guwardiya ang makakakita sa pwesto ko ngayon. Nasa bintana lang ako at kita mula rito ang buong HIU, at mabuti na din halos katapat lang ng science lab. Tinignan ko ang orasan ko at napansing alas-dyes na ng gabi, tama ang hinala ko dahil ganitong oras sila lumalabas. Naaninag ko na ang mga anino ng anim na class one, tinignan ko sila sa telescope upang makumpirma, nang makita na sila nga iyon ay mabilis na akong kumilos papunta roon.
Naka-suot ako ngayon ng black jacket, black cap, black pants, at black face mask. Mas mabuti na din na naka-itim lang para hindi agad mapapansin sa dilim. Nang makababa ako sa hallway papuntang science lab, sinuri ko muna ang paligid kung may bantay ba at nang makitang wala ay dumeretso na ako. Sinuot ko ang headphones ko at pumasok sa kabilang kwarto katabi ng science lab para mas ligtas ako na walang makakakita sa akin. May nilagay na akong camera sa katapat na kwarto ng science lab para hindi nila mapansin. Idinikit ko sa pader ang dulo ng headphones ko saka kinonekta sa cellphone ko upang ma-record. Binuksan ko na din ang videos para mapanood ang ginagawa nila gamit ang camera na nilagay ko.
"You think this will work? Three times na natin ito ginagawa at masakit na ang katawan ko ugh," rinig kong reklamo ni Priscilla. "Tss, this will be the last one that we will try this. The scientist said that this won't affect us," ani ni Wren. Nakita kong may nilagay sila sa syringe needle na isang kulay pulang kemikal bago itinusok sa braso nila. Sabay-sabay sila at ang iba ay umiinda pa.
"Why do we have to do this?" tanong ni Thalia nang matapos silang turukan ang sarili nila, "Kailangan lang malaman ng director kung uubra ba sa atin ang syrup na ito dahil in born na tayong matatalino. Dahil kapag tumalab ito sa atin, magkakaroon ng problema ang mga mahihina na magta-try nito," paliwanag ni Aiden. Bakit? Anong problema ang sinasabi nila?
"Ang syrup na ginawa ng scientist para sa mga lower class ay dapat sa kanila lamang tatalab at hindi sa atin. Hindi successful ang product kapag tumalab sa atin," dagdag pa ni Eury. Nag-hintay ako kung may mangyayari ba sa kanila pero wala naman, "What if hindi successful? Are you sure it won't affect us?" bakas sa boses ni Priscilla ang kaba at takot.
"We already tried it thrice now and nothing happened, so I guess the Memorica Syrup is successful." Sagot ni Seven bago nila inayos ang mga gamit nila at lumabas ng laboratory. Inayos ko ang sarili ko at tinanggal ang headphones sa pader para makapagtago ng ayos. Nakatingin pa din ako sa cellphone ko para makita kung ano ang ginagawa nila. Nang makalabas sila lahat, napansin bigla ni Seven ang camera na nasa bintana ng kabilang kwarto. Unti-unti siyang lumapit dito, s**t! May red light na siguro iyon dahil lowbatt na. Dahil nasa loob ng kwarto ang camera ay kinakailangan pa niyang pumasok sa loob, mabilis akong nag-search sa record ng phone ko ng mga madalas narerecord na sigaw ng guwardiya sa akin noon.
"HOY! ANONG GINAGAWA MO DYAN!" pinlay ko ng malakas iyon galing sa cellphone ko dito sa kwarto para marinig nila, "Hala omg, guards!" Napansin ko na napalinga sila sa paligid saka nanakbo paalis. Napahinga ako ng malalim nang makaalis na sila.
Ang susunod na gagawin ko ngayon ay obserbahan sila kung may mga epekto ba ang tinurok nila sa kanila. Tatlong beses na pala nila iyon nasusubukan kaya kailangan ko silang pagtuonan lalo ng pansin at mag-plano ng ayos sa mga susunod na galaw ko.