“Class, are you all ready for next week’s event?” tanong ng guro namin. Sa isang linggo na ang magaganap na event kung saan magpe-perform sa entablado kaming mga class eight. Nalalapit na din ang pagdating ng Memorica Syrup para sa Project Brain ng director. Sa ilang linggo na nagdaan matapos kong masaksihan ang mga nangyari sa science laboratory, wala na ulit akong nakita na sumunod nilang aksyon. Marahil ay naghihinay-hinay sila ngayon dahil sa nakita nilang camera ko sa tapat ng science lab. Wala din akong napansin na nabago sa kanila dahil sa itinurok nila. Normal lamang sila at walang ibang nararamdaman.
“Yes, Ma’am!” sagot ng iba kong kaklase. Hindi na kami masyadong nagtuon sa event na paparating dahil wala din namang gana si Zyair. Ipapakita na lang daw niya ang kaya niya kapag mismong araw na ng event. May naihanda na ang grupo namin pero more on academics at sports lang naman dahil doon umiikot ang mga kakayahan namin. Mga class eight lang naman kami at class one sil Eury kaya hindi na sila nag-bigay ng effort pa.
“Okay that’s good, and please be aware that the Project Brain program will start soon. Thank you.” Umalis na ang guro namin matapos no’n. Nagsi-labasan naman ang iba namin kaklase, wala naman ako balak lumabas gusto ko lang sana matulog dito ngayon dahil gabi-gabi na lang akong kulang sa tulog kakaabang sa mga class one na ‘yan tss.
“Sobrang itim na ng ilalim ng mata mo, Kird. Natutulog ka pa ba?” tanong sa akin ni Zy. Tinignan ko lang siya, napansin ko naman na napatingin sa gawi namin si Eury, “Kaya ka siguro laging inaantok dahil hindi ka natutulog sa gabi," dagdag pa niya.
“May binabantayan kasi ako sa gabi.” Ngayon naman ay napansin kong napatingin sa akin si Seven, nginisian ko si Zy, “Ha? Sino naman ang binabantayan mo?” Kunot ang noo at nagtataka ang itsura niya kaya inilingan ko siya. “Binabantayan ko sarili ko,” umiwas ng tingin si Seven nang marinig ang isinagot ko. Pakiramdam ko ay pinaghihinalaan niya ako na sinusubaybayan ko sila dahil sa asal ko noong nag-anunsyo ang director at hindi ako pabor sa proyekto na isinasagawa nila.
Naging normal ang sumunod na araw dahil busy ang mga estudyante. Nagpahinga na din muna ako sa kakasunod kila Eury sa gabi dahil nararamdaman kong bibigay na ang katawan ko dahil kulang sa tulog. Ngayon ang sinasabi nilang pag-dating ng produkto na inaabangan ng lahat. Hindi ako umattend sa gym ngayon, tinakasan ko sila Zyair dahil alam kong mangungulit na naman iyon na sumama ako. Nakatago ako ngayon sa isang bakanteng classroom at hawak ang telescope. May nilagay akong camera sa science laboratory at sa loob mismo ng conference room. Hindi ko kasi sigurado kung saan unang ibabagsak ang mga produkto kaya nilagyan ko ang dalawang posibleng pag-lagyan. Ilang minuto ang nakalipas ay may nakita akong pumasok sa HIU na truck. Tinignan ko ito ng mabuti sa telescope na hawak ko upang mas maaninag nang huminto na ito. Lumabas ang mga naka-puting mukhang scientist at pumunta sa likod ng truck, mga balot na balot sila pati na din ang mga mukha dahil sa suot na mask. Lumipat ako ng pwesto kung saan mas makikita ko ng ayos kung ano ang ilalabas nila. Mga nakakahon at sobrang dami ang binuhat nila bago ipinasok sa mismong HIU. Dahil sa glass wall ng HIU ay nakikita ko pa din kung saang direksyon sila papunta. Tama nga ako, dahil sa conference room nila pinunta. Nakita ko sa camera na nasa loob ang direktor lamang. s**t! Nalimutan kong mag-lagay ng recorder sa loob!
Pagkapasok ng isang scientist sa loob, dala ang isang kahon lamang ay nagbigay respeto siya sa director. Ang ilang mga kasamahan niya ay dumeretso sa science lab dala ang iba pang mga kahon. Mas pinagtuonan ko ngayon ng pansin ang director at scientist, ito kaya ang scientist na pinag-uusapan noon nila Seven? Napa-sabunot ako sa sarili ko dahil sa katangahan, nagu-usap na ngayon ang director at scientist ngunit ko naman maintindihan at marinig! Naka-mask din ang scientist kaya hindi ko man lang makita ang itsura niya. Inilapag nito ang kahon sa lamesa at inilabas ang isang maliit na bote. Iyon na siguro ang Memorica Syrup na sinasabi nila. Sumenyas ang scientist sa director na parang sinasabing 'Saglit lang' at saka tumingin mismo sa camera na nakatago. Imposibleng makita niya ang camera na tinago ko. Sobrang liit na camera lang iyon at itinago ko sa gitna ng mga libro kung saan hindi talaga mapapansin. Namamalikmata ba ako? Baka naman napadaan lang ang paningin niya doon ngunit hindi. Nanatili lang siyang nakatingin sa camera, tila sinusuri ng ayos hanggang sa mapagdesisyunan niyang lumapit at kunin ito. Inabot niya iyon sa director. Humarap doon ang director saka ngumisi bago ibinato sa sahig at inapakan ang camera kaya nawala sa akin ang linya. Damn it.
Narinig kong nag-vibrate ang phone ko kaya inis kong tinignan ang kung sino mang nag-text at nakitang si Zyair iyon. Ngayon niya lang ako tinext ng ganito, 'Kird, nasaan ka? Nagbigay ng notice ang director na isasara ang gym at ang sabi niyan kung sino daw ang wala sa loob ay makakatanggap ng parusa.'
Paniguradong gusto niya malaman ngayon kung sino ang nanonood sa kanila kaya gusto niyang tinignan kung sino ang wala ngayon sa gym. Tinignan ko ang ibang scientist sa science lab at nakitang naghahanap na sila ng camera sa loob, marahil ay nasabihan na sila hanggang sa nahanap nila at sinira din ang camera. Mabilis akong kumilos para pumunta sa gym. Inilagay ko muna ang gamit ko sa isang tagong lugar bago umalis. Nireplyan ko din si Zy na sunduin ako sa pinto kapag limang minuto na ang nakalipas. Napansin ko na isasarado na ng mga guwardiya ang malaking pinto ng gym pero dumating ako sa harap, "Bakit ngayon ka lang? Hindi ka na pwedeng pumasok," ani ng isang guwardiya. Bored ko siyang tinignan, "Kanina pa ako nasa loob, nag-banyo lang ako."
"May banyo naman sa loob--" Naputol ang sasabihin sana ng guwardiya ng tawagin ako ni Zy, "Kird, ang tagal mo muntik ka na masaraduhan. Bakit kasi ngayon pa umubra 'yang tyan mo. Ah boss, nahihiya daw siya sa CR dito kasi ang daming tao baka daw maamoy." Tumawa pa si tanga. Galing din naman magpalusot nito, e.
"Sige, pasok na." Mabilis na akong pumasok sa loob. Ngayon naman ay naka-pwesto kami sa bandang harapan na. Bakit naman dito pa ang napili nilang upuan? "Saan ka galing, Kird? Muntik ka pang mapaparusahan," alalang tanong sa akin ni Eury. Nagkibit-balikat ako, "Anong meron? Matutulog sana ako sa kwarto ko kanina, bakit biglang may parusang kaganapan?" kunwari ay kuryoso na tanong ko.
"Hindi ko nga alam e, nabigla din kami at parang galit si Director Lucas. May gusto daw magpakilala sa kanya." Tama nga ang hinala ko, hahanapin niya kung sino ang naglagay ng camera doon. Masyado lang siyang nagpadalos dahil imbis na i-track ang location kung saan nakakonekta ang camera ay sinira pa niya. Dumating ang director at umakyat sa entablado, kasunod ang mga scientist kaya nagsitahimikan na ang mga estudyante.
"Are you all excited? I am sorry to keep you waiting, but I officially announce that the Project Brain will start today as we try our new product, Memorica Syrup, that will change the life of every student!" Nagpalakpakan ang mga estudyante maliban sa akin. Sumenyas ang director sa mga scientist kaya bumaba na sila at isa-isang binibigyan ang estudyante ng produkto. Napatingin ako kay Zyair, "Zy, tropa tayo 'di ba?"
"Oo naman! Bakit?"
"Huwag mong inumin 'yung Memorica Syrup." Kunot noo naman niya akong tinignan at nagtataka, "Bakit naman? Anong problema?" Bumuntong hininga muna ako bago sinagot ang tanong niya, "Basta, sasabihin ko sayo ang dahilan pagkatapos dito."
"Hmm, sige na nga. Pasalamat ka tropa kita." Bahagya lang akong ngumiti kay Zy at tumango. Dahil nasa unahan kami, inaabutan na kami ng Memorica Syrup. Tinanggap muna namin at ilang minuto ang lumipas ay nagsalita ulit ang director. "I guess all of the student, except to those who are in class one, already have the Memorica Syrup, am I right?" Sumagot naman ng 'yes' ang karamihan. Tinitigan ko ang produkto, mukha lang siyang normal na vitamins na iniinom ng mga kabataan ngunit hindi kami sigurado sa tunay na epekto nito sa amin dahil sarili lamang nila itong eksperimento.
"Now, we will drink it all together, are you ready?" tanong ng director. Kinulbit ako ni Zy, "Sabay-sabay daw iinumin e, ano gagawin natin?" bulong niya, "Hayaan mo lang sila basta hindi natin iinumin."
Nag-bilang ang director saka nila sabay-sabay ininom ang Memorica Syrup. Nang matapos ay samu't-saring komento ang narinig namin.
"Ang sarap! Pwede bang pahingi pa ng isa?"
"Pakiramdam ko tumatalino na ako."
"Paano sila nakagawa ng ganito kasarap na vitamins?"
Napailing na lang ako sa mga narinig. "I see, two students didn't even bother to open their Memorica Syrup." Tumingin sa amin ang director kaya ang mga atensyon ay napunta din sa amin. Takang-taka din na nakatingin sa amin sila Eury. Tumayo ako at gano'n din si Zy. "Wala kaming balak inumin, tingin ko karapatan namin iyon bilang estudyante ng HIU." Lumapit ako sa entablado at inilagay ang hawak kong produkto, sumunod lang si Zy sa mga ginawa ko.
"Masyado ka talagang matigas, Mr. Orson. Let's have a deal, if those students improved after a week without any problem or bad effect on their body, you will have to drink the Memorica Syrup along with your friend." Nginisian niya ako kaya ngumisi ako pabalik, "Sure, why not?" hamon ko.
"Well then, let's see the result after a week in the event of class eight students first."
Una pa lang alam ko nang sa class eight nila gustong simulan. Kaya pala may pa-event sila, dahil doon malalaman kung umepekto ba ang produkto nila. Hindi ko alam kung posible ba talagang gumaling ang isang estudyante gamit ang mga ganoong produkto. Nag-paalam na ang director kaya binuksan na ang gym para magsi-alisan na ang mga tao dito. Pagkalabas ko ng gym ay hinarang ako ni Seven kaya tinignan ko siya.
"Bakit ba kailangan mo pang magmatigas? Sumunod ka na lang sana. Wala ka din namang magagawa, isang hamak na estudyante ka lang na galing sa class eight." Inis na sambit nito sa akin. Nilapitan ko pa siya lalo, "Wala kang pakialam." Mariin na sambit ko at nilagpasan siya. Hinawakan niya nang mahigpit ang braso ko upang pigilan sa pag-alis. Nagkatitigan kami, "Sinasabi ko na sayo ngayon pa lang, successful ang produkto na iyon kaya sa ayaw at sa gusto mo iinumin mo pa din 'yun." inis kong inalis ang kamay niya sa braso ko.
"Bakit ba pinipilit niyo sa amin na inumin 'yon? May nakukuha ka bang benepisyo mula sa direktor? Mga class one nga naman, sipsip masyado."
"Tama na 'yan," seryosong suway sa amin ni Thalia. Gigil na hinawakan ni Seven ang kwelyo ng uniporme ko kaya mas lalo akong napalapit sa kanya, "Ano? Sapol ba?" panga-asar ko pa lalo.
"What's with the commotion here?" sumingit ang direktor sa usapan namin. Madami na pala ang nakikiusyoso. Binitawan ako ni Seven kaya inayos ko ang uniporme ko. Humarap kami sa direktor. "I am just telling him to drink the Memorica Syrup as the student body orgranization's president, Sir," sagot ni Seven ngunit ikinagulat namin ang sinabi ng direktor.
"Is that how you handle your co-student as a president? Using physical force? I am dissapointed." Umiling-iling pa siya bago kami iniwan. Bahagya akong natawa at tinignan si Seven na gulat na gulat at hindi makapaniwalang mas kinampihan pa ako ng direktor kaysa sa kanya.
"Mukhang hindi ka pa masyadong kilala ng boss mo, a. Palakas ka pa." Tinapik ko pa ang balikat niya bago tuluyang umalis doon. Sumunod naman sa akin si Zy, "Ready na ako makinig, buddy."
Pumunta muna kami sa dorm ko dahil wala naman nang klase at wala pa ang mga kasama ko sa kwarto kaya doon ko napag-desisyunan na sabihin sa kanya ang lahat ng nalalaman at hinala ko. Gulat na gulat naman siya sa lahat ng nalaman niya.
"Grabe kinilabutan ako! Buti na lang hindi ko ininom 'yon baka mamaya maging zombie ako."
Napailing na lang ako sa kalokohan niya, "Tutulungan kita, Kird. Seryoso ako pagdating sa mga ganitong bagay." Ngayon ko lang nakitang sumeryoso ang mukha niya kaya tinanguan ko siya. Mabuti na lang din at may makakatulong ako. Pakiramdam ko ay madami akong kalaban at hindi ko kakayanin nang mag-isa.