"Okay class very good! Everyone here was very attentive in class during this past few days and this is a good news!" Masayang anunsyo sa amin ng guro namin. Matapos uminom ng mga kaklase ko ng Memorica Syrup ay naging active na sila sa bawat klase, hindi katulad noon na mga inaantok at walang ganang makinig sa nasa harapan. Napansin ko ding tumatalab nga dahil lahat sila ay matataas ang score na nakuha sa exam, pwera sa amin ni Zyair. Hindi ko naman kasi sinagutan ang exam at tinulugan ko lang, tapos si Zy ay nag-sagot kaso mali-mali. Hindi naman daw kasi siya nag-review.
"Mr. Orson and Mr. Cree come to my office now," tawag sa amin ng guro. Paniguradong kakausapin kami tungkol sa score namin sa exams, tss. Narinig ko namang nag-reklamo si Zy, "E sa nakakatamad mag-review, anong magagawa ko," bulong niya sa tabi ko bago tumayo. Sumunod naman ako sa kanya at pumunta kami sa office ng guro namin. Naka-upo na siya sa swivel chair niya at seryosong nakatingin sa amin na nakatayo lang sa harapan niya.
"Kayo lang ang problema namin sa ngayon dahil hindi niyo pa tinake ang Memorica Syrup. The director was monitoring all of the student's performance to know if all of them improved, except for the two of you. What was the reason why you don't want to drink it?" panimula niya. Pasimple akong siniko ni Zy, sinesenyasan na ako ang sumagot dahil hindi niya alam ang gagawin. "Hindi naman namin kailangan ang mga ganoong bagay," sagot ko.
"Really? Ano ba ang pinagmamalaki mo, Mr. Orson? Ang zero mong exam?" hinilot niya ang sentido niya, "Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko sa iyo," dagdag pa niya.
"Bakit ba hindi niyo pa din ako ine-expell? Sa dami ko nang kalokohan na nagawa, wala pa din kayong nagagawang aksyon para sa akin." Napansin ko naman na parang may kinukutkot si Zy pero hindi ko na lang pinakialaman.
"Iyan nga ang ipinagtataka ko sa director--" naputol ang sasabihin niya nang magsalita si Zy, "Miss, nagbibiro lang 'tong kaibigan ko. Wag niyo po siya i-expell. Sasabihan po namin kayo kapag handa na kaming inumin ang Memorica Syrup."
Bahagya siyang nag-bow sa guro namin upang mamaalam bago niya ako hinila paalis sa office. Sinamaan ko naman siya ng tingin, "Anong iinumin? Wala tayong balak na inumin ang bagay na 'yon," inis na sabi ko. Inalis ko naman ang pagkakahawak niya sa balikat ko.
"Oo, alam ko. May dapat tayong pag-usapan." Hinila niya ulit ako papunta sa kung saan. Hindi na lang ako pumalag at sumunod sa kanya. Mukha siyang seryoso at minsan ko lang siya makitang ganito kaya naman ay alam kong importante talaga ang pag-uusapan namin. Nakatating kami sa library. Walang ibang tao dito maliban sa amin ni Zy at sa librarian na nagbabantay. Pumwesto kami sa dulong lamesa. Kumuha pa siya ng isang libro bago kami umupo at binuklat ang libro na kinuha niya.
"Ano ba ang pag-uusapan natin?" takang tanong ko sa kanya dahil sa ikinikilos niya. May inilabas naman siya mula sa bulsa niya, "Nakuha ko 'to sa lamesa ni Miss. Tingin mo, ano ba ang ibig sabihin nito?" Pinakita niya sa akin ang isang piraso ng papel. Iniabot ko ito at nilapag sa libro na nakabuklat sa harapan namin. Isang mensahe na hindi ko maintindihan dahil sa sulat. Daig pa ang sulat ng doctor na halos puro linya na lang ang nakalagay. Pitong salita ito at iisang pangungusap lang. Kahit anong titig ko ay hindi ko maintindihan ang sulat.
"Sigurado ako na isa itong mensahe pero hindi ko maintindihan," inis na sabi ko kay Zy. "Ako nga patingin." Ibinalik ko sa kanya ang papel at siya naman ang tahimik na sinuri iyon. Napaka-seryoso niya kaya nakakapanibago, pero bigla niyang inuntog ang ulo niya sa papel, "Joke lang pala hindi ko din maintindihan e." Napa-iling na lang ako sa kanya at kinuha ulit ang papel, "Itatago ko muna. Mukhang mahalaga ang nakalagay dito dahil ganito pa ang pagkakasulat na para bang ayaw ipaalam sa iba ang nakalagay." Tumango naman siya kaya binulsa ko na ang papel. Ibinalik niya ang libro sa pinagkuhanan niya at paalis na sana kami nang may marinig ako.
"Narinig mo ba 'yun?" mahinang tanong ko sa kanya. Nagtaka naman siya na napatingin sa akin, "Ha? Alin? May multo?" Niyakap pa niya ang sarili niya na kunwari ay takot, sinamaan ko siya ng tingin. "Parang may narinig ako na nag-uusap kanina." Tumahimik kami at pinakinggan ang paligid matapos ay may narinig ulit ako at mukhang narinig na din ni Zy. Sinundan namin ang boses na naririnig namin at nakarating kami sa isang pader. Itutulak na sana ni Zy nang pigilan ko siya. Sumenyas ako na huwag maingay at idinikit ang tainga sa pader, gano'n din ang ginagawa ni Zy.
"We will have a meeting later at science lab." Iyan lang ang narinig namin at nakaramdam ako na may lalabas kaya mabilis kong hinila si Zy para mag-tago sa mga book shelves. Nakita namin na lumabas ang mga class one students mula sa pader na iyon. Mayroon palang secret room dito sa library at ngayon ko lang iyon nalaman. Mukhang kailangan ng password sa loob bago makapasok dahil nakita kong idinikit ni Wren ang hinlalaki niya sa isang machine. Nang makaalis sila ng library, nagpalipas muna kami ng oras bago lumabas din.
"Anong balak mo, Kird?" tanong niya sa akin.
"Mamayang gabi na lang ulit sila pupunta sa science lab kung sakali kaya susundan ko ulit sila," sagot ko. Hindi ko na pwedeng gawin ulit ang maglagay ng camera dahil paniguradong titignan na nila ang bawat sulok at magiging alerto na sila kaya kailangan kong mag-isip ng ibang plano. Nang maka-isip ay sinabi ko na kay Zy ang dapat naming gawin. Kailangan ko ang tulong niya sa ngayon.
Sumapit ang alas-dyes ng gabi kung saan oras na para kumilos. Naka-handa na ang lahat. Nandito ako ngayon sa bakanteng classroom na lagi kong pwesto para mapanood ang mga gagawin ng class one sa science laboratory. Hindi ko sila pwedeng mapanood nang malapitan kaya sa malayo ako ngayon. Si Zy ang magiging daan upang marinig ko ang ano mang pagu-usapan nila doon. Naka-telescope ako at naaninag na nakapasok na sa loob ng science lab ang anim kaya tinawagan ko na si Zy.
Magpapanggap siya na nag-sleep walking siya. May nakalagay na isang recorder sa bulsa niya at maliit na device na nakadikit sa loob ng damit niya para makapag-usap kami. "Handa ka na?" tanong ko sa kanya sa kabilang linya, "Oo."
"Simulan mo na." Napansin kong may pinaguusapan na ang anim. Nag-simulang maglakad si Zy palapit sa kanila. Naka-konekta ang recorder sa phone ko kaya maririnig ko ang usapan nila kapag nakalapit na sa kanila si Zyair. Magaling ngang umakto si Zy dahil mukha talaga siyang tangang nagi-sleep walking. Bahagya pang naka-taas ang isang kamay at nakapikit. Narinig ko na ang usapan nila nang malapit na si Zy sa science lab, "Dyan ka muna saglit." sabi ko.
"Are you sure? Hindi makita ni Miss ang message na binigay ni S1?" rinig kong tanong ni Thalia. S1? Ano kaya ang ibig sabihin noon? "Yes, it was written in a small paper but Miss doesn't remember when she puts it," sagot naman ni Wren. Ang hinahanap nila ay ang papel na nasa akin. Tama ako dahil mukhang mahalaga nga ang laman nito at isang mensahe. Pero sino si S1?
"Nabasa ba niya ang nakalagay?" tanong naman ni Aiden. Nakita ko sa telescope ko na umiling si Wren, sagot sa tanong ng kaibigan niya. Kung sakali pala na mabasa ko ang nakasulat dito, ako pa lang ang unang makakaalam.
"Why are we even doing this? Hindi ba't ang utos lang naman sa atin ay bantayan ang progress ng class eight sa Memorica Syrup? It was a success already, they were improving," rinig ko naman na reklamo ni Priscilla.
"Hindi pa lahat ang nag-take. We still need to pursue Orson and Cree," sagot ni Seven. Kami na lang pala ang inaantay nila. Bakit ba gustong-gusto nila na painumin sa amin iyon? Mas lalo ko iyong pinagtaka, "Wait, I think there is someone outside," rinig ko namang sambit ni Aiden. Mabilis kong sinabihan si Zy, "Galaw, nahalata ka na nila," sambit ko kaya nag-lakad ulit siya. Dumeretso siya sa pintuan ng science lab at inuuntog ang sarili. Nagkukunwaring gustong pumasok ngunit tulog.
"It's Zyair, what the heck is he doing?" ani ni Thalia. Nagtataka sila ngayon na nakatingin kay Zy. Lumapit si Eury sa pintuan at pinagbuksan si Zy. Nakapikit pa din ito at naglakad paloob, "Guys, I think Zy is sleep walking," sambit naman ni Eury. Napunta si Zy sa pader at inuuntog na naman ang sarili. Naiisip ko na agad na magrereklamo siya sa akin bukas dahil masakit ang ulo niya. Nilapitan siya nila Wren at tinapik-tapik ang mukha hanggang sa magising kunwari si Zy. Tumingin siya sa paligid at nagtatakang tinignan ang anim.
"Anong ginagawa ko dito?" rinig kong tanong niya sa kanila, "Anong ginagawa natin dito? Kidnap ba 'to? Natutulog lang ako, a!"sigaw pa niya at umakmang natatakot.
"Stupid, you were sleep walking. We are having a research here and you went here, sleeping," sagot naman ni Seven. "Hala, akala ko hindi ko na nagagawa ang pag-i-sleep walking. Hindi pa din pala naaalis. Kailangan ko na talagang itali ang kamay ko kapag matutulog." Napakamot pa sa ulo si Zy. "Pero gabi na bakit pa kayo nagre-research? At tungkol saan?" dagdag na tanong niya.
"It's none of your business so get out of here," tanging sagot lang ni Seven sa kanya. Parang nanlumo naman si Zy, "I'll walk you in to your dorm," ani Eury sa kanya. Natuwa naman siya at pumayag kaagad bago sila umalis.
Tinitigan ko ulit ang mga class one. Ang recorder na nasa bulsa kanina ni Zy ay idinikit niya sa gilid ng pintuan noong inuuntog niya ang sarili niya kaya kahit wala na siya doon ay maririnig ko pa din ang pagu-usapan nila. Nagpatuloy sila sa pag-uusap. May inilabas si Wren na isang malaking papel.
"The director wants to achieve these goals. He needs our help to fulfill it. The project brain was not only to improve all of the students from the lower level, but I heard something from the director and S1," panimula ulit ni Wren. Seryoso lamang ang lahat na nakikinig sa kanila.
"They want to make some power to students."