Messages

1773 Words
"Hoy, ano-anong narinig mo kagabi? Parinig naman ako, hindi ko kasi naintindihan dahil masyado akong nadala sa paga-acting ko kagabi." Patuloy ang pangungulit sa akin ni Zy pagkakita pa lang niya sa akin. Hindi pa din mawala sa akin ang pagka-badtrip ko dahil sa kapalpakan niya kagabi. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya mabilis niyang tinakpan ang sarili niya ng kamay niya. "Hoy bakit ganyan ka makatingin? Inaano kita?" "Hindi ko makalimutan ang katangahan mo kagabi. Magdidikit na nga lang ng recorder ang gagawin mo, hindi mo pa nagawa ng tama," inis na sabi ko. Dere-deretso naman akong pumasok sa classroom. Kami pa lang ni Zyair ang nandito dahil busy na ang lahat ng class eight para sa magaganap na performance event para sa amin. "Ha? Dinikit ko ng maayos 'yun, a?" "Maayos nga ano, kaya pala nalaglag. Nasa punto na ako na may bago na namang mahalagang impormasyon na malalaman ko mula sa kanila pero naudlot pa. Pasalamat na nga lang at hindi na napansin pa nila Seven 'yon." Nginitian niya ako ng alanganin. Nahulog ang recorder na idinikit niya sa gilid ng pinto kaya nasira kaagad. Sensitive ang mga gamit na iyon dahil maliliit lang naman kaya madaling masira. "They want to make some power to students." Iyan ang huling pangungusap na narinig ko mula sa kanila. Hindi ko ito masyadong maintindihan at kahit anong pilit kong intindihin ay wala akong maisip na posibleng ideya tungkol doon kaya naman hindi rin ako nakatulog ng maayos sa kakaisip. "Ano nga ang narinig mo? May napansin kasi ako kay Eury e." Agad akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. "Ano?" Sumeryoso ang mukha niya at hindi kaagad nagsalita, "Napansin ko na... parang may gusto na siya sa akin-- aray!" Hinawakan niya ang ulo niya matapos ko siyang batukan dahil sa kagaguhan niya. Akala ko ay seryoso na ang napansin niya, kalokohan lang pala. "Huwag mo na dagdagan ang kabad-tripan ko," banta ko. Hindi naman siya tumigil at nagpatuloy sa kwento niya, "Totoo naman, e. Napansin ko 'yon, biruin mo kababae niyang tao tapos inihatid pa niya ako sa dorm namin tapos sobrang alalang-alala pa siya sa akin. Tapos--" Umaktong pa muna siyang kinikilig, Yuyuko na sana ako dahil wala naman akong pakialam sa mga kalokohan niya nang may iabot siyang maliit na papel ulit, "Tapos nakuha ko ito mula sa kanya," dugtong niya sa sinasabi niya kanina. Mabilis ko iyong kinuha at tinignan. "Mukhang isang mensahe na naman. Nakuha ko iyan sa bulsa ng jacket niya. Napansin ko kasi na may papel at iniisip ko na baka importante kaya nagkunwari akong matutumba para maalalayan niya ako at makuha ko iyan," paliwanag niya. Sinuri ko nang mabuti ang nakasulat sa papel. Ang pagkakasulat ay katulad sa naunang papel na nakuha namin kahapon. Ngayon naman ay sampung salita ang nandito at mahirap pa ding basahin. Iniisip ko tuloy na isa itong code at sila lamang ang pwedeng maka-intindi dahil halos puro linya lang ang makikita mo at cursive. "Call Orson and Cree to get ready," rinig namin mula sa labas na utos ni Seven. Mabilis kong naitago ang papel na hawak at saktong pumasok sa loob si Thalia, "Tara na at mag-handa para sa presentation natin mamaya," yaya niya. Tumayo kaagad si Zy at lumapit sa kanya, "Excited na ako!" sigaw nito. Sumunod lang ako sa kanila at nang makarating sa theater room kung saan gaganapin ang performance ng class eight ay nakita kong nasa gitna nakaupo ang director. "Alam niyo na kung ano ang mga dapat niyong gawin." Bahagya lamang akong tumango kay Aiden. Nag-simula na ang event at nauna ang iba naming mga kaklase. Ngayon ko lang sila nakitang may magadang naipapakitang talento nila sa harap ng madaming tao. Noon ay hindi man lang sila makagawa o makaisip ng mga konsepto ngunit ngayon ay daig pa nila ang mga nasa class one. Pati props nila ay magaganda sa paningin. Napapa-palakpak pa ang director tuwing may natatapos magpakitang gilas sa entablado, natutuwa dahil mukhang tumalab nga ang pinainom niya sa mga estudyante. Huli ang grupo namin na nag-perform. Halo-halo ang ginawa namin. Umaacting sila Priscilla at Wren samantalang kami ni Thalia ang tumutugtog ng background music para sa acting. Si Aiden naman ay nag-sayaw ng contemporary dance sa buong tugtog. Si Eury ay gumagawa ng mabilisang painting kada huling scene ng dalawang umaarte. Masasabi kong siya ang pinakamagaling dahil nagagawa niya kaagad i-illustrate ang dalawang tao sa kauting oras lamang. Si Seven naman ay nagpakitang gilas sa mabilisang pagsasagot ng mga math equations galing sa isang college professor ng HIU. On the spot iyon at kahit sino ay hahanga sa bilis niyang mag-sagot. Samantalang si Zyair ay gumawa ng mga 'magic' niya. Tinawag niya ang sarili niyang 'clown' sa harap ng mga estudyante at mga guro. Natapos ang performance ay umakyat ang director sa entablado, "I was so amazed by your performance! You all did a great job, except for Mr. Orson. Is playing guitar all you've got?" Tinuonan niya ako ng atensyon. Bored ko lang siyang tinignan at hindi sinagot, "That was what you will have when you don't drink your Memorica Syrup. So, the result of our Project Brain so far was a blast! Day by day every students are improving a lot. Next week, we will have a academic competition between class one to class eight from the higher level first since they are the one wh are graduating students. We need to plan their future first." Matapos niyang magsalita ay nagpalakpakan ang mga estudyante saka siya bumaba ng entablado. May panibago na naman siyang pakulo upang mas masigurado na umuubra nga ang produktong ginawa niya. Ginagawa niya lang mga tuta ang mga inosenteng estudyante dito. Kung sa ngayon ay successful ang produkto niya, nasisigurado kong sa susunod ay sasablay din. Nilapitan ako ng director kaya tumayo ako mula sa pagkaka-upo. "We had a deal, am I right?" Naalala ko naman ang sinabi niya sa akin noong nakaraan, "Masyado ka talagang matigas, Mr. Orson. Let's have a deal, if those students improved after a week without any problem or bad effect on their body, you will have to drink the Memorica Syrup along with your friend," at pumayag nga pala ako, tss. "Oh?" bored na sagot ko. Bakit ka ba kasi pumayag, Kird? Wala pa akong nahahanap na mali sa produkto niya at kahit sa mga estudyante na uminom na ay wala akong napansing kakaibang epekto sa kanila kaya hanggang ngayon ay wala pa akong maipanglalaban sa director. "Hmm, so you don't want to keep your words? What a man." Natatawang banggit niya nang maisip na wala akong balak sundin kung ano man ang napag-usapan namin. "Just give me time to think about it. I am still doubting about your product, Director." Nginitian niya naman ako saka tinapik ang balikat ko, "I'll give you time," bulong niya bago ako nilagpasan. Napansin ko na namang masama ang tingin sa akin ni Seven. "Tara," yaya ko kay Zyair. "Your mindset sucks, Orson," rinig kong sambit ni Seven pagkatalikod ko. Hinarap ko naman siya, "Accept it already. Memorica Syrup is successful. Whether you like it or not, you don't have any choice but to drink it. Both you and Cree," dagdag niya. Napa-iling ako at natawa, "Bakit? Ano naman mangyayari kung iinumin namin 'yon? May mapapala ka ba?" "Ikaw ang may mapapala hindi kami--" "Yun pala, e. Wala ka naman palang mapapala kung iinumin ko 'yon o hindi, kaya bakit ka pa nangingialam sa kung ano man ang gusto ko?" Napansin ko naman ang inis sa mukha niya kaya tumalikod na ako at umalis. Sumunod naman sa akin si Zy, "Angas mo sa part na 'yon, buddy," aniya. Bumalik kami sa classroom. Kami ulit ang nandito at walang iba. Napansin ko na naiwan ni Eury ang gamit niya dito. Mabilis kong inutusan si Zy na i-lock ang pinto. Mabuti na lang at walang bintana sa room namin na kita ang hallway at ang kabilang mga bintana naman ay may takip na kurtina. "Bakit? Anong gagawin mo? Pare bata pa ako." Tinakpan niya ang katawan niya kaya sinamaan ko siya ng tingin, "Hehe, sorry joke lang." "Sa pinto ka lang, may titignan lang ako," utos ko. Mabilis kong kinalkal ang bag ni Eury, aapila pa sana si Zy nang sumenyas ako na huwag maingay dahil baka may makarinig sa labas. Tinignan ko ang lahat ng gamit ni Eury at nakitang madaming papel ang nasa loob ng bag niya ngayon. Papel katulad ng dalawang nasa akin. Limang papel pa ang nasa kaniya. Nilabas ko ang phone ko at kinuhanan ng litro ang bawat isa bago ko ibinalik sa ayos ang gamit niya. "Wait, I'll just get my bag," rinig namin na sambit ni Eury mula sa labas. Sinenyasan ko si Zy na lumapit kaagad sa upuan ko saka kami parehas yumuko, nagkukunwaring tulog. "Oh, they're sleeping," sambit ni Eury nang makita kami. Matapos niyang kuhanin ang bag niya ay sinarado na niya ang pinto ng classroom pagkalabas niya. Dahan-dahan naman kaming umangat ng ulo ni Zy. "Tara sa dorm," sambit ko. Mabilis kaming lumabas nang mapansin na wala na ang class one students sa paligid saka tumakbo papunta sa dorm ko. Mabuti naman at wala ang tatlong kasamahan ko. Ni-lock ko kaagad ang pinto saka ko nilabas ang phone ko para titigan ang bawat litrato na nakuha ko. "Ano 'yan? Katulad noong mga nakuha natin." "s**t, hindi ko pa din maintindihan," inis na sambit ko matapos masuri ang mga litrato. Kinuha ni Zy ang phone ko saka may zinoom-in, "Kird, tignan mo 'to. May mga number." Tinuro niya sa taas ng papel ang maliit na number. May nakalagay na one hanggang five ang naroon. Nilabas ko naman ang dalawang papel na nasa akin at may anim at pito na numero ang nandoon. Halos lahat ay iisang pangungusap lamang ang nakasulat. Kanino kaya galing ang mga mensahe na ito? Posible kayang naglalaman ito ng mga inuutos sa class one students? Masyadong masakit sa ulo kahit pilitin ko pa ang pag-iisip kung ano ang mga nakasulat ay walang ideya ang nalabas sa akin. Wala din namangg tutulong sa amin. "Kird, tingin ko isa lang ang solusyon para maintindihan natin ang mga nakasulat d'yan," sambit ni Zy, taka ko naman siyang tinignan. "Tingin ko dapat na nating inumin ang Memorica Syrup."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD