“Pasensya na kayo, ‘di ko na napigilan ang emosyon ko.” Nilapitan namin ang mga estudyante na nakahiga habang wala pa ring malay. “We need to bring them now to the hospital for the check-ups,” ani Mr. Simon. “Do you think they will be alright, Tito?” tanong naman ni Thalia sa kaniya. “I hope so. We can’t be sure right now dahil hindi natin alam kung may nailagay na ba sa katawan nila na kahit anong kemikal o wala pang nasisimulan,” sagot nito. Tinalikuran ko sila at akmang aalis na nang may humawak sa balikat ko. Nilingon ko kung sino ‘to at nakitang si Mr. Simon pala. “Kird, can we talk for a minute?” tanong niya. Bahagya akong ngumiti sa kaniya para kahit papaano ay maipakita ko ang respeto ko sa kaniya bilang tatay siya ni Wren. “Pasensya na ho, pero hindi ko pa kayang makipag-usap

