“Oh my gosh, Kird!!” Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Hinihintay ko ang bala ng baril na tumama sa katawan ko ngunit walang nangyari. Dahan-dahan kong inimulat ang mga mata ko at nakita si Seven na naka-harap sa akin. “T-Trey...” Halos hindi ko masambit ang pangalan niya nang makita ang dugo na lumabas mula sa bibig niya. Natahimik ang lahat at saka mabilis kong tinignan ang likuran niya na ngayon ay nagdudugo na. Nanginginig ang mga kamay ko na sinalo si Seven nang malaglag siya sa harapan ko. Mabilis kong inalalayan ang ulo niya saka ako umayos ng upo kahit hindi ko maramdaman ang kanang paa ko. “Bakit mo hinarang ang sarili mo?” Bakas ang galit sa boses ko nang tanungin ko siya. Nagawa pa niya akong ngisian at halata ang panghihina sa itsura niya. “S-stupid. Did you already forget w

