Hanggang ngayon ay wala akong nararamdaman na kakaiba sa katawan ko simula noong inumin ko ang tubig sa water dispenser. Baka naman hindi umepekto dahil mas madami ang tubig? Hindi pa din namin alam at wala pang mga kasiguraduhan ang mga bagay-bagay. "Nakaka-trauma na tuloy uminom ng tubig sa cafeteria ngayon," reklamo ni Zyair sa tabi ko. Simula kagabi ay hindi muna kami nag-uusap ngayon ng mga class one. Sinabihan nilang baka makahalata ang director na may pinaplano kami kaya dapat kaming mag-ingat. Masyadong mainit ang mata ng director sa akin, ako ang binabantayan niya. Parati akong nakamasid sa paligid ko dahil baka may nanonood sa bawat kilos at galaw ko. "Kasalanan mo, dapat nilibre mo na lang ako ng mineral. Kuripot," pagbibiro ko sa kaniya, "Ikaw na nga lang nag-utos sa akin na

