Naka-handa na kami ngayon ni Zyair at hinihintay na lang sumapit ang alas-diyes para pumunta sa dorm nila Seven. Nandito kami ngayon sa banyo para walang makakita sa amin kapag may dumaan na guwardiya dahil hindi naman nila pinapasok ang mga banyo kapag ganitong oras. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na may dumadaloy na sa katawan ko ngayon na kemikal na pinag-eksperimentuhan lang ng kung sino. Ngunit hanggang ngayon naman ay wala pa din akong nararamdaman na kakaiba sa katawan ko, ganoon din si Zy. Hindi ko pa din maisip na kinakampihan na ako ngayon ni Seven, na dati ay galit na galit sa akin sa tuwing papansinin ako ng director. Pero hindi pa din dapat ako magpakasigurado na totoo nga siya o sila. Mahirap na dahil baka kami na naman ni Zy ang madehado. Ilang minuto pa an

