Narito na naman kami muli sa DOA para um-attend sa ikalawang trial ng kaso ni Haime. Ang mga magulang na narito ngayon ay mga magulang ng mga estudyante na nailigtas namin ang mga buhay. Ang mga magulang naman ng mga namatay na estudyante ay sa huling trial pa muli babalik. Katulad noong unang trial, marami rin ang nakaabang sa amin kanina na mga media sa harap ng DOA pero hindi pa rin nila kami nalapitan dahil mahigpit ang security. "Medyo hindi na ako kinakabahan ngayon dahil na-obserbahan na natin si Haime kahapon," bulong sa akin ni Zy. Hindi pa rin ako kampante hanggang ngayon kahit nakita namin kahapon noong magising siya na sinusubukan niya sa isang guwardiya ang potensyal niya pero hindi na tumatalab. Nag-simula na ang ikalawang trial at nagbigay galang kami sa judge at iba pa. I

